Paano ko malilimutan ang wikang aking kinagisnan? Na sa simula pa lang ng aking unang baitang hanggang sa mataas na paaralan ay kasama na sa aking mga aralin. Hindi ko rin malilimutan ang aking mga guro sa araling Pilipino.
Ikinagagalak kong ihalintulad ang aking sarili sa matalik kong kaibigan. Na sa Holland siya ay 25 taon nang naninirahan. Dalubhasa na sya sa salitang banyaga na Dutch, subali't napakahusay pa rin niya magbigkas ng sariling wika.
Matagal na din akong nanirahan at naglingkod sa ibang bansa. Umaabot na rin ng 9 na taon. Subalit pakiramdam ko ay walang nagbago sa aking pag-bigkas.
Aking ipinagmamalaki, ako'y pilipino!!!
MABUHAY!!!
"Praise be to the LORD, for he showed his wonderful love to me when I was in a besieged city"...
(Psalm 31:21)