Can you help with this?

Nakakapagod kang intindihin at mahalin...nauubos na kung anuman ang natitirang respeto ko sa iyo...bakit kailangan kong magalit lagi at mainis sa iyo? Ayoko nang ganitong klaseng relasyon...gusto ko pa ring irespeto ang sarili ko at gusto kong maging masaya sa buhay... ayaw kong tumanda agad sa kakaisip sa mga problema mo na ako ang nag-iisip kung paano gagawan ng paraan na masolusyunan...mas mabuti pa ngang mag-isa lang ako sa buhay ko kasi problema ko lang ang pinoproblema ko...maawa ka naman sa akin, malaki na ang sakripisyo ko sa buhay ko ...hanggang ngayon hindi natatapos...pagod na pagod na ako! Pinaniwala mo ako na magiging maayos ang buhay ko sa iyo..oo nga mahal mo ako pero parte lang yun ng pagiging makasarili mo! Kung alam ko lang na hindi pala ako makakauwi ng Pilipinas, hindi ko sana iniwan ang mga anak ko!