Results 1 to 2 of 2

Thread: Ano ba ang mga Overseas Filipino Workers (OFW)?

  1. #1
    Administrator KeithD's Avatar
    Join Date
    Dec 2004
    Location
    Denbigh, United Kingdom
    Posts
    24,036
    Rep Power
    150

    Post Ano ba ang mga Overseas Filipino Workers (OFW)?

    Nagpaplano ka bang mangibang bansa at maging isang Overseas Filipino Worker (OFW)? Ang pagiging isang OFW ay isang kabayanihan. Ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay ang mga Filipino na nagtatrabaho at nakatira sa ibang bansa. OFW ang tawag sa mga Filipino na nasa ibang bansa upang magtrabaho ng konraktwal at inaasahang bumalik sa Pilipinas hanggang sa mapawalang bisa na o tapos na ang kontrata nila sa kanilang mga employer o hanggang sa mag retiro na. Minsan tinatawag silang mga “balikbayan”.

    Sa pagtatantya ng Commission on Filipino Overseas, nasa sampung porsyento ng populasyon sa Pilipinas o nasa mahigit siyam na milyong Pilipino ang nagtatrabaho bilang pansamantalang manggagawa sa itinakdang oras o panahon. Importante rin na malaman natin na mayroong 42% sa grupong ito ay dumayo sa ibang bansa upang permanente nang manirahan doon. Naiiba sila dahil sila ay pansamantalang naka-base sa ibang bansa at sila ay karaniwang ipinadala sa ibang bansa sa pamamagitan ng kanilang mga ahensiya ng pagtatrabaho (employment agencies). Ipinapadala ang mga OFWs sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo kabilang ang mga bansang nasa Middle East, Europe, East Asia, North America at Australia. Karamihan sa mga OFWs ay nagtatrabaho sa tinatawag nilang “3-M na mga trabaho”: Mahirap, Marumi, at Mapanganib. Noong 2008, humigit kumulang 1.3 milyong mga Pilipinong manggagawa ang idineploy sa ibang bansa bilang propesyonal na medikal, mga manggagawa sa konstruksiyon, domestic helpers, pandagat na manggagawa, at mga eksperto sa IT.

    Ang mga OFWs ay kadalasang tinatawag na mga makabagong bayani ng modernong panahon. Nagtatrabaho sila sa ibang bansa upang kumita ng sapat na pera upang mabigyan ng masaganang buhay ang kanilang pamilya na naiwan sa Pilipinas kahit na kapalit nito ay ang pagkawalay nila sa mga mahal nila sa buhay. Ang mga karaniwang dahilan ng pagtatrabaho sa ibang bansa ng mga Pilipino ay ang pagkakaroon ng may sakit na kaanak, mapag-aral ang mga anak, o kaya ay sa kadahilanang wla lng talagang trabaho sa kanilang rehiyon. Ang mga Pilipino ay madalas na nakakaranas ng hindi patas na mga kondisyon ng pagtatrabaho, mahabang oras, mababang sahod, at mga pang-aabuso sa karapatang pantao kapag nagtatrabaho sa ibang bansa. Ito ay isang sakripisyo na kakayanin ng mga OFWs para lng sa pamilya. Sampung porsyento ng mga dayung Pilipino sa ibang bansa ay hindi dokumentado o kaya ay overstaying na sa isang bansa at ito ay dahil sa mga kadahilanang tulad ng naloko ng mga employment agencies, tinatakot o inaabuso ng mga amo, o kaya ay tapos na ang kontrata pero ayaw pang bumalik sa Pilipinas dahil gusto pang magtrabaho. Ang mga OFWs ay kadalasang nakakapagtrabaho sa pamamagitan ng mga hindi opisyal na mga sangay kaya naman takot silang magreklamo sa mga pang-aabuso o kaya ay sa mga pagkakamali ng amo sa kadahilanang ayaw nila mawalan ng trabaho.
    Keith - Administrator


  2. #2
    Moderator fred's Avatar
    Join Date
    Feb 2006
    Location
    South,North East,somewhere.
    Posts
    11,463
    Rep Power
    150
    Crikey.. You did that all by yourself?
    Magaling ha!!


Thread Information

Users Browsing this Thread

There are currently 1 users browsing this thread. (0 members and 1 guests)

Similar Threads

  1. What Kind Of Work Do Overseas Filipino Workers Do?
    By KeithD in forum OFW/POEA Help & Advice - English & Tagalog
    Replies: 0
    Last Post: 21st October 2014, 09:14
  2. What Are Overseas Filipino Workers (OFW)?
    By KeithD in forum FilipinoUK Articles
    Replies: 0
    Last Post: 12th September 2014, 11:48
  3. What Are Overseas Filipino Workers (OFW)?
    By KeithD in forum OFW/POEA Help & Advice - English & Tagalog
    Replies: 0
    Last Post: 12th September 2014, 11:27

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Filipino Forum : Philippine Forum